Sunday , December 22 2024
blind item

Talent hindi nababayaran ‘di rin pwedeng baratin

ni Ed de Leon

ISANG magandang subject na talakayin ang tanong na natatawaran ba ang talents? Hindi po kami naniniwala na mababarat ang talents, at lalong hindi puwedeng baratin ang sining. Kaya hindi kami naniniwala sa mga binarat na indie films. Kung gusto ninyong kumita, mag-produce kayo ng magaganda at may mga tunay na artista. Hindi kayo maaaring gumawa ng mga binarat na pelikula, wala halos kalidad at umaasa kayong kikita.

Maski na sa amin eh kung sabihin nga nila kami raw ay maldito. Hindi po kasi kami nagsusulat sa mga diyaryong hindi nagbabayad. Kasi hindi naman namin puwedeng babuyin ang isinusulat namin at ikatuwirang hindi naman kasi sila nagbabayad. Ang lalabas ay tokwa kang hindi marunong magsulat.

Hindi rin tama ang katuwiran ng iba, basta marami kang columns kahit na hindi ka binabayaran ok lang dahil makukumbida ka naman sa mga presscon at iyon ang kanilang pinagkakakitaan. Hindi rin po tama iyon kaya kami bihirang-bihira kaming magpunta sa presscon. Pupunta lang kami kung gusto namin ang artista kung hindi huwag na. Hindi po kami nabubuhay sa presscon, hindi kami nabubuhay sa corruption.Sa buong panahong inilagi namin sa showbusiness, hindi masasabi ng kahit na sino na nanghingi kami ng pera dahil sa aming isinulat. Ang inabot kasi naming kaugalian, binabayaran kami ng aming diyaryo, at ang katapatan namin sa pagsusulat ay sa mga bumibili at bumabasa ng aming diyaryo.

Marunong naman kaming magsulat hindi iyong pinabili lang ng suka sa tindahan pag-uwi movie writer na, at totoo maraming ganyan. May mga movie writers pa ngang ang dami ng columns pero hindi naman marunong magsulat. Pero wala na tayong pakialam doon. Kanya-kanyang raket lang iyan eh. Minsan nga lang maiinis ka dahil iyong mga hindi naman marunong magsulat iyon pa ang mayayabang. Basta ang writer ay nagsusulat sa diyaryong hindi nagbabayad, asahan na ninyo basura lang ang isinusulat niyan.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …