Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw tantanan ng tsismis inili-link sa isang may-asawa

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isa pa ring nagkakalat ng tsimis tungkol naman kay Sunshine Cruz. Talaga yatang kahit na nananahimik si Sunshine, ayaw siyang patahimikin ng mga gumagawa ng tsismis, inili-link naman nila si Sunshine ngayon sa isang married man. 

Hindi kami naniniwala. Una, kilala namin si Sunshine, hindi iyan iyong babaeng papatol sa isang manliligaw dahil mapera. Mas maniniwala pa kami kung pogi ang manliligaw sa kanya, at walang sabit posibleng mahulog si Sunshine. Pero sa estado niya sa buhay sa ngayon? Hindi kami naniniwala sa mga ganyang tsismis.

Maaari namang sabihin ng kahit na sinong lalaki na liligawan niya si Sunshine, pero ang punto pa rin naman ay papatulan ba siya? Kung hindi naman siya patulan, papano masasabing syota na niya?

Kagaya nga ng sinasabi ni Sunshine, maaga siyang nag-asawa, at nagkaroon siya ng problema. Umibih siyang muli at akala niya ay ok na, nagkaroon din ng problema, kaya sabi niya ayaw na muna niya ng relasyon sa ngayon. Naniniwala siyang darating din iyan sa tamang panahon, pero hindi pa ngayon.

Eh iyang si Sunshine, may isang salita naman iyan. Hindi mo iyan aasahang magsasalita ngayon at bukas ay iba na ang statement. Hindi naman kagaya iyan ng isang artistang sikat noong araw magpapa-interview may sasabihin, tapos kinabukasan biglang pupunta sa estasyon ng radio at magde-deny sasabihing huwag paniwalaan ang isinulat sa kanya sa mga diyaryo. Kaya ngayon tingnan ninyo dahil laos na siya, wala nang nagsusulat tungkol sa kanya kundi ang mga troll niya, at puro sa Facebook lang ang labas nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …