MATABIL
ni John Fontanilla
VERY talented ang baguhang singer na si Mia Japson na alaga ng kaibigan naming si Audie See.
Bukod sa husay nitong kumanta ay isa rin itong composer, dancer, at painter.
Sa launching ng kanyang first single na Pintig na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno ay inawit nito ng live ang nasabing awitin, na napahanga kami at iba pang taong naroroon sa ganda ng boses nito at sa husay mag-perform.
Ilan sa mga musikero na hinahangaan ni Mia ang Sunkissed Lola, JK Labajo.
Thankful si Mia sa kanyang very supportive parents na sina Ms Lorna Tuazon at Mr Jun Tuazon.
Any days from now ay puwede ng i-download ang Pintig sa lahat ng streaming app., at mapapanood na rin ito sa Youtube at mapakikinggan sa iba’t ibang radio stations sa bansa.