MATABIL
ni John Fontanilla
NASA bansa ngayon ang KPop artist na si Sandaran Park para sa promotion ng kanyang ineendosong alak
Pero sandali lang mamamalagi sa bansa si Sandara dahil may mga trabaho siyang naiwan sa Korea, kaya kailangan niyang bumalik agad.
Nangako naman itong babalik sa Pilipinas dahil napag-uusapan na nila ni Coco Martin ang posibleng pagsasama nila sa isang proyekto.
Very vocal si Sandara sa pagsasabing matagal na niyang gustong makatrabaho si Coco at sana l ay mangyari ito sa susunod na pagbabalik niya sa bansa.
Nabanggit nito na okey sa kanya na magsama-sama sila ulit at magkaroon ng reunion ng kanyang mga ka-grupo, ang 2NE1.