Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Ate Vi pinag-iinitan MMFF movie ‘di matanggap na kumita ng miyembro ng kulto

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG talamak na ang nang-iintriga  kay Vilma Santos. Ang sinasabi naman ngayon ng mga miyembro ng isang kulto ay flop daw ang pelikula niyang When I Met You in Tokyo kaya tahimik ang mga producer at walang inilalabas na gross ng pelikula.

Ang totoo ang Metro Manila Film Festival (MMFF) mismo ay hindi naglalabas ng gross ng mga pelikulang kasali, sinasabi lamang nila kung sino ang top grosser at ang ranking ng mga pelikula pero hindi sila nag-report kailanman ng gross receipts ng pelikula. Karapatan kasi ng sinehan at ng producer na gumawa ng deklarasyon pero hindi sa publiko kundi sa gobyerno para malaman kung tama ba ang taxes o hindi. Ang mga pelikula sa MMFF ay wala lamang amusement tax sa loob ng sampung araw na festival, at iyon ay idino-donate ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga beneficiary. Iyong mga sumunod na araw pagkatapos ang sampung araw na festival balik na sa gobyerno ang lahat ng tax. Ang isang pelikulang hindi kumikita, hindi rin nakakakuha ng playdate sa mga sinehan. Iyong pelikula ni VIlma, hindi lang ipinalabas sa mga sinehan kundi tumagal pa ng isang buwan sa mga sinehan, ibig sabihin kumikita.

Bakit ang pelikula ni Vilma ang pinag-iinitan nila? Siguro hindi nila matanggap sa kanilang sarili na ang pelikulang sinuportahan nila, ay inilabas na nga lang sa isang micro cinema na ang capacity ay 50 tao lamang sa isang screening. Tumagal lang ng dalawang araw, at cancelled na ang dalawang huling screening dahil wala namang nanonood. Iyan ang hindi kumita. At dahil sa ganoon ang kanilang sitwasyon, ipinagkakalat nilang flop ang pelikula ni Ate Vi para masabi nilang pare-pareho lang. Sinong may utak ang maniniwala sa kanila sa sinasabi nilang iyan? Isa lang ang sasabihin namin sa nagsasabi niyan, “utot mo blue.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …