MATABIL
ni John Fontanilla
BAGO ma-bash ng netizens ay pinangunahan na ng controversial Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na hindi para sa kanyang content ang pamimigay ng motorsiklo sa kanyang kasambahay.
Kaya naman sa kanyang vlog ay sinabi ni Andrea na buong puso ang ginawa niyang pamimigay ng motor sa dalawa niyang kasamabay na sina Sabel at Ryza.
Alam kasi ni Andrea na matagal nang nag-iipon ang dalawa para mabili ang pangarap nilang motor, kaya naman sinorpresa niya ang mga ito at siya na mismo ang bumili at ibinigay kina Sabel at Ryza.