Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga ng action star na si Coco Martin. Pero sayang, hindi inilagay sa post kung sino talaga ang bata na pinangalanan lang nilang “Ricky Boy.” Sa hitsura niyong bata hindi malayong may mag-alok ding mag-artista o commercial model. Alam naman ninyo, in demand ang mga ganyang hitsura ng bata sa mga commercial, lalo na sa mga milk product.

Walang sinabing detalye kundi ang pangalan lang, ni wala pa ngang apelyido. Pero sa tingin namin baka maging ang mga magulang ng poging bata ay fan ni Coco. Naisip lang namin, baka kaya tinawag na Ricky Boy ay hango sa pangalang Ricardo o Cardo na siyang role naman ni Coco noon sa Ang Probinsyano.

Mukhang napakabait na bata at smiling face pa, marunong na ring humarap sa camera. Aba kung tutuusin dapat iyang ipagmalaki ng mga magulang niya sa panahong ito na maraming mag-asawa na gustong magka-anak pero hindi magka-anak, napakalaking bagay niyong binigyan ka ng anak na malusog at pogi pa. Iyang mga ganyan ay dapat na ipinagmamalaki ng mga magulang. Sino kaya ang mga magulang ni Ricky Boy? Sino kaya lalo na ang tatay niya? Hoy dapat mong ipagmalaki ang anak mo malay mo isang araw sumikat din iyan gaya ng Probinsyano.

Mukhang happy naman ang bata sa pictures niya with Coco, ang ganda ng kanyang ngiti, may pictures din silang dalawa na kasama si Julia Montes. Kung iisipin mo nga mukha silang isang “ideal family. Pero sino nga kaya ang magulang ng bata? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …