RATED R
ni Rommel Gonzales
GUSTO naming palakpakan si Diego Loyzaga.
Napakatapang kasi niyang isinawalat ang tungkol sa pinagdaanan niyang pagpapa-rehab sa recent guesting niya sa Fast Talk show ni Kuya Boy Abunda.
“I will not be a hypocrite in front of you and in front of our audience. I did go to rehab, definitely,” umpisang pagbabahagi ni Diego.
“I was very, very, depressed. I was in the brink of suicidal. I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don’t help eh, hindi siya nakatutulong.
“If you’re already a person with a problem, mayroon kang pinagdaraanan and there’s other substances, other factors that are pulling you down, it’s a hard bit to crawl out of.”
Ito ang dahilan kaya siya pumasok sa rehab.
Aminado si Diego na hindi pa ganap na natatapos ang kanyang pinagdaraanan.
“In saying this hindi ko sinasabi na I’m sober. Because once you have a sip of alcohol, it is counted as relapse.
“But every single day I still talk to my counselors, every single day I’m still in touch with my kuyas and ates from rehabilitation, and they are still monitoring me. All the time I’m still very open with them,” pahayag pa ni Diego.
“Hindi ako iyaking tao. Pero ngayon kung babalikan ko ‘yung isang araw ko roon sa loob ng rehab, mangingiyak talaga ako. It was so difficult,” lahad pa niya.
“I go back to that pain. It was eight months until I saw the moon, the sun. I’m not shunning my rehabilitation, I owe them my life. Pero you’re kind of trapped inside, hindi ka makakalabas until you get to meet your family again. That was the saddest thing.”
Ang pagpapahalaga sa mga kung ano ang mayroon siya ang isa sa mga natutunan niya.
“It will make you realize kasi, there’s a purpose eh. They take away everything from you, so you appreciate all the things that are given back when you get to go out.
“That broke me. And when I explain it to my dad, ‘yung ginawa ko sa loob, ‘yung mga pinagagawa sa akin, I learned from each and every single thing that we had to do inside.
“It changed me as a person, it changed me as an actor. It made me deeper as a person, probably. Pero again, I’m not saying I’m perfect.”
To pay it forward, nais ni Diego na maging isang advocate para sa mental health.
“I’m so happy I have this platform now para lang lalo kong ma-explain ‘yung nangyari sa nakaraan, sa past ko kung bakit ako umabot sa rehab.”
Sa pamamagitan ng bubuksan niyang YouTube channel ay ibabahagi niya sa publiko, lalo na sa mga may katulad niyang pinagdaanan, ang mga naging karanasan niya sa rehab at ang idinulot nitong pagbabago sa kanyang pagkatao.
Samantala, bida si Diego bilang si Kokoy sa A Glimpse Of Forever ng Viva Films kasama sina Jasmine Curtis-Smith bilang si Glenda at Jerome Ponce dilang si Dante.
Sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, mapapanood na ito sa mga sinehan sa March 6.