Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque
Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa ng kanilang pre nuptial agreement sina Dominic Roque at Bea Alonzo, nang maimbestigahan ng pamilya ng aktres na maraming inilalagay na properties niya ang aktor na napatunayan naman nila later on na hindi naman pala sa kanya. Magkakaroon ka tuloy ng suspetsa na totoo ngang kumuha ng private investigator ang kampo ni Bea para mapatunayan kung totoo ang lahat ng inaangkin ni Dominic sa kanilang pre-nuptial agreement.

Pero kung totoo man iyon o hindi wala na rin tayong pakialam. Halimbawa sinabi ni Dominic sa kanyang pre-nuptial agreement na mayroon siyang isang condo na ang halaga ay P100-M, eh ano ba? Ang ibig lang naman sabihin niyon ay mananatiling property niya ang condo na iyon at hindi bahagi ng kanilang conjugal property kung sakali man at makasal sila. Hindi malaking bagay iyon. Halimbawa sinabi ni Bea na P500-M ang halaga ng kanyang farm, walang pakialam doon si Dominic dahil kaya nga dumadaan sila sa isang pre-nuptial agreement ang ibig sabihin ay walang pakialam ang asawa sa mga property nila na nakuha bago ang kanilang kasal.

Ano ang malaking issue roon na kailangang pagtalunan at nauwi pa sa isang split?

Hindi rin namin maintindihan at hindi na namin gustong panghimasukan pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …