Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEX
ni Jun Nardo

HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama si Edu Manzano sa church wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sama-sama sila sa wedding at masayang-masaya sa kasal ni Luis. Kaya naman komento sa video na ipinost ni Ate Vi sa Instagram, ang gandang tingnan ng isang blended family na gaya nila.

Samantala, nang makachikahan namin si Ate Vi sa screening ng movie nilang Anak ni Claudine Barretto, nabanggit niyang wala pa siyang script na nagugustuhan sa mga nabasa niya. Kaya hindi pa niya alam kung kailan ang next movie niya.

Ang screening ng restored version ng Anak ay bahagi ng project na Cine Icons ng CCP at may agreement ito sa St. Paul, Quezon City na ipalalabas doon ang iba pang movies na project ng Sagip Pelikula ng Kapamilya.

Binigyan sina Ate Vi at Ricky Lee, na sumulat ng movie, ng recognition ng St. Paul-QC at CCP. Umalis agad si Claudine dahil susunduin ang isa niyang anak sa school.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …