PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Pilar.
Kasama ng bise alkalde ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod at volunteer team sa pagbibigay ng kinakailangang tulong kabilang ang hygiene kits, dignity kits, sleeping kits, at food packs sa mga nasunugan sa lugar matapos mangyari ang sunog nitong Pebrero 22.
Binigyang-importansiya ni Vice Mayor Aguilar ang agarang relief efforts para asistehan sa pagbangon ang komunidad.
Inihayag pa ng bise-alkalde na nais ng lokal na pamahalaan na siguruhing makatatanggap ng kinakailangang suporta ang bawat apektadong pamilya upang malampasan ang ganitong hamon sa kanilang buhay.
Aniya ang pamamahagi ng tulong ay isa lamang unang hakbang ng komprehensibong plano para tulungan ang mga biktima ng sunog sa lungsod.
Sa pagsisimulang muli ng komunidad, ang mga hakbang ni VM Aguilar at kanyang team ay naglatag ng pundasyon para sa pagbangon at pagpapamalas ng kahalagahan ng paghahanda at suportang pangkomunidad upang mapagaan ang epekto na dulot ng mga kalamidad o sakuna.
Samantala ang naturang insidente ay karagdagang pagpapatibay sa pagtugon ng Las Piñas City sa pagpapabuti ng kanyang mga hakbang pangkaligtasan at pagsiguro sa kapakanan ng lahat ng residente. (EJ DREW)