ni Ed de Leon
MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin.
Taas ang noo at nakahawak pa sa kamay ng isang pogi ang isang batikang showbiz gay. Talagang ipinagmamalaki niya ang poging bagets na kanyang nahagip sa isang male pageant. May karapatan namang ipagmalaki talaga dahil pogi nga, kaya niya nakuha ibig sabihin napakagaling na mambola ng bakla o magkano kaya ang nagasta niya bago napasagot ang poging bagets?
Ang masaklap isinama niya sa isang party, at doon naman ay may nakakilala sa bagets, “pogi ka pala kung naging mhin ka,” sabi ng isang bakla sa poging bagets. Iyon pala si pogi ay bading din at ang talaga palang trabaho niyon ay isang make-up artist.
“kung sa bagay, pogi pa rin naman siya ‘di gamitin ko na lang din, basta huwag siyang magsusuot ng panty na may naka-burdang Tuesday kung magkikita kami,” sabi ng bading.