Sunday , December 22 2024
CCP Lakbay Sine Anak

Anak nina Vilma at Claudine tampok sa CCP Lakbay Sine

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYONG araw na ito ang paglalabas ng unang pelikula sa ilalim ng CCP Lakbay Sine at sa pakikipagtulungan ng St, Paul’s University of Quezon City magkakaroon ng showing ang restored version ng pelikulang Anak sa James Reuter Theater, at pagkatapos ay magkakaroon ng talk back. Makapagtatanong ang mga nanood tungkol sa pelikula maging sa iba pang aspeto ng pelikulang Filipino. Ang haharap sa talk back ay sina National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee, Star for All Seasons VIlma Santos na siya ring bida sa pelikulang Anak, at ang lumabas na sutil na anak sa pelikula,  si Claudine Barretto.

Si Claudine ang kinikilala ring reyna ng prime time television noong mga panahong iyon.

Pambihirang pagkakataon iyang ganyang mayroon pang talk back dahil kadalasan gusto ring marinig ng mga tao ang kuwento sa likod ng pelikulang kanilang napanood at sino nga ba ang makasasagot niyon kundi ang mga artista mismo ng pelikulang iyon. Kung minsan gusto rin nilang malaman ang ilan pang aspeto sa paggawa ng pelikula at sino nga ba ang makaaalam ng kasagutan sa mga ganoong tanong kundi ang mga batikang artista rin.

Hindi madaling pagsamahin ang mga artistang gata nina Vilma at Claudine para sa isang talk back. Kaya napakagandang samantalahin ang pagkakataong iyan na ipinagkaloob ng CCP at ng SPUQC ng libre at walang bayad.

Sana ay dalasan nila ang mga ganyang programa at imbitahin din naman nila ang iba pang mga artista na interesadong makita ng publiko.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …