WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa nilang anak ni Norman Crisologo, si Olivia na ngayon ay eight years old na.
Ayon kay Beauty, “I made it clear many times na ayoko na.
“Ako mismo, I mean, at the end of the day, I want to show Olivia that I’ve been working hard, that I take care of myself, that I am a boss lady, and I want to be complete.”
Dagdag pa nito,”Para sa akin, okay na ako sa isa. Baby din ako, eh. Gusto ko rin magpa-bebe.”
Lalo na ngayon at bongga ang career nito at sunod-sunod ang magagandang proyektong ginagawa.