Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Christopher de Leon Nora Aunor

Noranians pikon pa rin, ‘di matanggap pinakamatibay na loveteam ang Vilma-Boyet

HATAWAN
ni Ed de Leon

HALATA mong napipikon ag mga Noranian basta sinasabing ang pinaka-matibay na love team sa ngayon ay ang VIlma-Boyet. Bakit naman hindi sasabihin ang ganoon naka-25 pelikula na magkasama sila. Halos lahat na ng klaseng roles ay nagawa nila, pero napakalakas pa rin ng kanilang pelikula. Kung pakikinggan mo ang mga interview ng dalawa ay talagang nagkakasundo sila at mukha ngang sila ang closest na magkaibigan sa industriya. 

Ito ngang huli nilang pelikula ay mabilis na tinanggap ni Vilma Santos dahil sa katotohanang si Christopher de Leon ang unang tumanggap ng assignment. Siya rin ang nag-suggest na sana sila ni Vilma ang magkasama.

Kung tutuusin, masasabing kakatuwa nga, si Boyet ang unang asawa ni Nora Aunor at kahit na matagal na silang hiwalay at may iba na ring pamilya ang aktor, kung ituring siya ng aktres ay asawa pa rin. Bakit hindi mo sasabihin iyan, ang dami na rin namang naging boyfriend ni Nora simula nang magkahiwalay sila ni Boyet, pero ang lahat ng ampon niya ay ginawa niyang de Leon ang apelyido ganoong ang tunay lang naman anak nila ay si Ian. Si Lotlot naman, nagsasama pa sila nariyan na ito pero iyong iba ni hindi na nga yata nakilala ni Boyet pero isinunod ni Nora sa apelyido niya.

Kaya masakit din naman para sa mga Noranian na nang bagsak na si Nora, hindi man lang nagtangka si Boyet na isama siya sa isang pelikula. Hindi niya naisip na baka mabatak niya ulit ang career ni Nora.

Pero siguro nga medyo umiiwas na lamang si Boyet sa controversy. Noong maging syota niya si Nora hanggang noong nagpakasal sila sa tabing dagat, hindi niya alam na may syota pa palang iba ang aktres noon. Isa pa, menor de edad si Boyet kaya nga gusto pa siyang bawiin noon ng tatay niyang si Gil De Leon. Marami rin naman silang naging conflict kaya hindi rin tumagal ang kanilang pagsasama. Nagkahiwalay sila, may mga naging boyfriend naman agad si Nora nang mahiwalay kay Boyet. Pero ang tumapos nga ng kuwento ay nang mapawalang bisa ang kanilang kasal sa tabing dagat at pakasalan na ni Boyet ang kanyang asawa ngayong si Sandy Andolong. Maganda rin ang takbo ng career ni Sandy noon bilang isang aktres, pero tinalikuran niya ang career at nanatiling asawa na lang ni Boyet. Inasikaso na lang niya ang kanilang pamilya na siyang dahilan kung bakit mas magkasundo sila ni Boyet at tumagal ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Kung iisipin mo ang naging relasyon nila noon ni Nora masisisi ba ninyo kung ano man ang gawin ni Boyet sa ngayon at piliin din niyang madalas na makatambal ay si VIlma na sinasabing kalaban ni Nora sa popularidad noong araw? Lalo na’t mas may commercial viability ang pelikula nilang dalawa? Eh kung si Nora ang kasama niya dahil mahina na rin naman ang suporta ng mga Noranian  baka dalawang araw lang ay pull out na sa sinehan ang kanilang pelikula.

Ganyan naman ang fans ni Nora, laging naghahanap ng excuse, laging pinalalabas na sila ang underdog. Hindi ba noong alisin ng RPN 9 ang kanyang show na Superstar hindi iyon matanggap ng mga Noranian. Maghapon sila sa Cubao na nagpapapirma ng petisyon sa mga tao na ibalik ang Superstar sa tv.

Eh kung iyon ba naman bago sila gumawa ng petisyon, nanood sila ng show ‘di sana tataas ang ratings niyon at dadami ang mga commercial, hindi maaalis ang show. Kagaya rin noon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) galit sila sa playdate committee dahil sa first day ng festival ay naalis na sa sinehan ang Thy Womb at ang sinehan ay ibinigay sa pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda. Kung iyon ba naman ay nanood sila ng pelikula si Nora eh ‘di hindi sana makakapagsara ang mga sinehan. Nagsara ang mga sinehan noon dahil walang nanonod. Nagreklamo rin ang sinehan sa playdate committee kaya kaysa masayang ang araw, binigyan nila ang mga iyon ng ibang pelikula. Ngayon din naman galit sila dahil na-reject ang kanyang pelikulang Pieta. Isipin ninyo kung ano ang kahahantungan niyo kung isinali sa festival. Inilabas na nga lang sa isang micro cinema hindi pa tumagal dahil walang nanood. ‘Di lalo na kung sa malaking sinehan iyan nalagay. Dapat baguhin na ng fans ang kanilang strategy. Hindi na kagaya noong araw na basta may nakalaban sila pupunta lang sila sa radio program ni Inday Badiday, o sa show ni German Moreno at palalabasing naapi sila. Wala na si Ate Luds. Wala na rin si Kuya Germs na laging nakaalalay sa kanila. Lumalabas lamang ngayon kung ano ang katotohanan.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …