Sunday , December 22 2024
Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion, napaiyak nang bigyan ng 450K diamond ring ng Beautéderm CEO Rhea Tan  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NASORPRESA si Alma Concepcion at hindi napigilan ang pag-iyak nang walang kaabog-abog ay bigyan siya ng diamond ring na nagkakahalaga ng 450k ng napaka-generous na Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan. 

Naganap ito noong Chinese New Year, kasabay ng first anniversary ng magarang Beautéderm Headquarters sa Angeles City.

Nang ipinakilala ang mga ambassadors ng Beautéderm at nabanggit si Alma, sinabi ni Ms. Rhea na ang aktres ang kanyang most loyal ambassador. Dahil dito’y binigyan niya ito ng surprise gift na isang diamond ring.

Pahayag ni Ms. Rhea, “My fourteen years baby, siya po ang isang magpapatunay na, totoo na matagal na ang Beautederm at nasa appliances (business) pa ako, kaibigan ko na siya. Tignan nyo hindi siya tumatanda (dahil sa), Beautéderm iyan!”

Sambit pa ng masipag na business magnate, “Alam nyo ba na si Alma nagka-condo, nagka BMW dahil sa Beautéderm. Iyong ibang mga alaga ko sa Beautéderm, hindi lang sila nag endorse, kundi nagtinda. Kasi naniniwala sila na totoo ang Beautederm, na totoo na nakapagpapa-iba ng buhay. Siya ang nagpundar niyon, sa kakatinda niya ng Beautederm.”

After magpasalamat kay Ms. Rhea at magpahid ng luha, ito naman ang sinabi ng aktres, “Dati super-morena ako, ang dami-dami kong butlig-butlig, even warts. Sinabi ko nga kay Mommy Rei na ultimo warts (kayang alisin), simula nang gumamit ako ng Beautéderm, hindi na ako nagpa-cauterize. Pansinin ninyo kung mayroon kayong mga warts, matatanggal ng toner iyan.”

Sa FB post pa ni Ms. Rhea ilang araw after ng event, ito ang kanyang ipinahayag para sa loyal niyang BFF:

“14 years ko ng Ambassador, nung laro laro ko lang ang Beautéderm anjan na sha for me. Wala TF , unli kwentuhan at chikahan maghapon lang masaya na kami. Tas post lang sha ng post din. Wala syang hiningi saken na kapalit. Bastat sabi nya sis, help kita. Karamay ko ang sis ko. Mula noon Hanggang ngayon.

Apakabless mo pag meron kang totoo at loyal na kaibigan. At ako yun, coz i have you . Thank you sis ko Alma Concepcion , I am forever grateful . I Love You Sis! 

Sa aming huntahan naman kay Ms. Alma kahapon, inusisa namin kung ano ang naging reaction niya sa sorpresa sa kanya ni Ms. Rhea?

Tugon niya, “Well, siyempre na-shock ako, kaya nga sobrang naiyak ako nang ibinigay niya ang singsing. Kasi, eversince Beautéderm started, wala na talaga akong in-expect sa kanya.

“Kumbaga, talagang nag-start kami nang ganoon-ganoon lang. Actually, nagba-bazaar pa kami noon. Iba-iba yung tinitinda ni Ms. Rei sa bahay niya, sa kanyang bungalow house. I remember may mga bag, iba-iba, may mga kumot pa ng baby. Talagang iyong Beautéderm was just one of the things she was selling.

“So, nakita ko talaga ang growth ng Beautéderm, nakita ko talaga na more than what we expected… So, natutuwa ako, I mean happy ako na nakita ko iyong growth nito, happy ako na part ako ng simula. Pero hindi ko talaga ine-expect iyon. I mean, kasi hindi ba ang dami na niyang ibinigay sa atin? Parang every occassion, every birthday, basta, she’s very thoughtful.

“So hindi ko talaga ine-expect iyong ganito, na parang feeling ko ay may nag-propose sa akin na guy, kaya talagang napa-iyak ako,” nakangiting sambit pa niya.

Dagdag pa ni Ms. Alma, “So ang reaction ko, shocked, tuwa, speechless… hindi makapagsalita… shocked na shocked na shocked, pero super-happy talaga.”

Isa si Ms. Alma sa pinaka-loyal na ambassador ni Ms. Rei dahil hindi tumatanggap ang aktres ng ibang products na masasabing kakompitensiya ng Beautéderm. Kahit daw mga freebis ay tinatanggihan ng aktres, kung ito’y may kaparehong product ng business ni Ms. Rhea.

Nagsimulang magbenta ng Beautéderm products si Ms. Alma noong 2011 as home based business muna at taong 2019 naman nang nakakuha siya ng puwesto sa Xavierville na ngayon ay fully paid na. Ito’y located @ G/F Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights Quezon City. Beside Royal Condo, near EastWest bank or Waze/Google Maps Queen Alma by Beautederm.          

Nabanggit din ng aktres ang simula nang pagkakaiabigan nila ni Ms. Rhea. “Ang friendship namin ni Ms Rei, is just very pure, walang vested interest… para siyang kamag-anak na I want the best for her. Nag-start talaga kami as friends, then naniwala ako sa produkto niya, and I fell in love with Ms Rei, hindi lang sa Beautéderm. Bago pa ito nang lumaki ang business niya.

“So itong Rei na nakikita nyo ngayon, ito ang nakita ko bago pa lumaki ang Beautéderm. So, masasabi ko lang sa friendship namin ni Ms. Rei ay genuine at full of love talaga,” masayang wika pa ni Alma.

Bukod kay Ms. Alma, present sa nasabing pagdiriwang ang celebrity ambassadors na sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Sam Milby, Sunshine Garcia, Ervic Vijandre, DJ JhaiHo, Gillian Vicencio, Kimson Tan, Patricia Tumulak, Anne Feo, Ynez Veneracion, Darla Sauler, at DJ Chacha.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …