Sunday , December 22 2024
Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy Lumboy-Pili sa tanggapan ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella kahapon (February 19).

Ang pagdalaw ay kaugnay ng paghingi ng paumanhin sa alkalde kasunod ng napuna nitong isang episode ng serye. Mainit namang tinanggap ni Mayor Ferdie ang mga kinatawan ng programa. 

Anang alkalde masugid na nanonood ng serye ang kanyang mga nasasakupan kaya nakarating sa kanya ang nasabing eksena. 

Ayon pa kay Mayor Ferdie, welcome ang programa na mag-taping sa kanilang lungsod.

Nauna rito, nagsampa ng reklamo si Mayor Ferdie dahil umano ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kanilan bayan ang isang eksena sa serye na pinagbibidahan ni Jillian Ward.

Nabanggit kasi sa serye ang isang mental institution na tinawag na ‘baliwag’ na karaniwang tawag sa mga biruan tungkol sa ‘kabaliwan’ sa isang kuwentuhan. (Rommel Gonzales)

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …