Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon

DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok lang naman sa amin kung bakla sila, pero hindi kami pabor sa bagong kautusan ng simbahan na ang mga magso-syotang mga bakla ay gawaran na ng bendisyon. Tama naman ang Santo PAPA sa pagsasabing ang bendisyon lamang ay hindi nangangahulugan na tinatanggap na ng simbahan ang pagkakasal pamumuhay ng dalawang lalaki o babae. 

Isa pa, hindi naman ideneklara iyong dogma ng ating pananampalataya kaya malaya tayong huwag sundin iyon. May nakarating na rin sa aming balita na marami ang mga pari at maging mga Obispo pa mula sa Africa at Europa na nagsabing hindi nila susundin ang tagubilin ng PAPA sa pagbabasbas sa pagsasama ng same sex couples. 

Mas nakungkot kami noong mabalitaan namin isang araw na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Simbahang  Katolika ang labi ng isang baklang atheist o walang pinaniniwalaang Diyos, at nabuhay bilang isang prostitute ay pinayagang ipasok sa St. Patrick’s Cathedral sa New York para basbasan. Mukhang mimisahan pa sana ng pari kung hindi nga lang siya napigil ng isa pang klero na nagsabing isang funeral service lang iyon. Walang misa dahil ang yumao ay isa pang atheist dumagsa sa cathedral ang maraming mga bakla na ang karamihan ay mahalay ang mga kasuotan at patuloy na sumisigaw ng ‘SANTA CECILIA madre delas todas putas.” O Ibig sabihin ay si Cecilia ang ina ng lahat ng mga nasa prostitusyon.

Hindi nila mahanap ang arsobispo ng New York na si Archbishop Timothy Michael Cardinal Dolankung bakit pinayagan niya ang ganoong seremonya sa Cathedral ng New York. Ang mga tao sa New York ay nagpo-protesta dahil sa nangyaring iyon at isinisigaw na ng mga nabibilang sa ibang sekta ng relihiyon na ang Vaticano at ang simbahang Katolika ay napasok na nga at unti-unti nang nalulukob ng diyablo. Pagpalain nawa tayo ng DIYOS at huwag tayong pabayaan sa masama. Benedicat nos Dominus deus Pater Filius et spiritus sanctus. Amen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …