Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. Hindi naman siguro maiiwasan iyon dahil pareho silang nagsimula mula sa isang nabigong pag-ibig kaya siguro kahit na sabihing mahal nila ang isa’t isa ay nagkakaroon pa rin sila ng duda. Lalo na nga sa kaso ni Jennylyn masakit iyong hindi mapanindigan ng lalaking minahal mo ang responsibilidad sa bunga ng pagmamahalan ninyo. At alam naman natin na  madalas kapos sa pera noon si Jen dahiI hindi naman siya nakabalik agad sa kanyang career matapos manganak. At ang anak naman niya ay may special needs pa. Mabuti naman at nakasundo niya si Dennis na itinuring naman ang kanyang anak na tunay na anak na rin niya. Sa totoo lang, iyang ganyang pagsasama ang tinataya naming magtatagal.

Ngayon sinasabi nga ni Jen na magbabalik na siya sa kanyang career. Ayos na naman ang katawan niya ulit. Palagay namin ilang araw na lang ay mababalikan na niya ang seryeng dapat ay ginawa niya noon bago pa ang pandemic.

Bakit nga hindi eh maganda na naman si Jen ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …