Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kristoffer Martin Family

Kristoffer Martin umaming minsang nabaliw sa pag ibig

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ni Kristoffer Martin na dumating siya sa punto noon na kahit masira ang kanyang career ay deadma siya at lagi niyang isinasama ang kanyang girlfriend sa taping or shows kahit may ka-loveteam pa siya.

Kuwento nga nito sa show ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk nang matanong sa kung ano ang pinakabaliw na nagawa niya alang-alang sa pag ibig?

“‘Yung kahit makita kaming magkasama, kahit masira ‘yung career ko, wala akong pakialam,” anang aktor.

At kahit nga nang magkaanak ay matagal na panahon din niyang inilihim bago inamin, pero ngayon everytime na may magtatanong sa anak niya na lagi niyang kasama ay mabilis niyang  inaamin, “Opo, anak ko po ‘to.”

Dagdag pa nito, “Kumbaga, sabi ko, hinayaan ako ni Lord na sa sarili kong way mailabas ‘yung anak ko, hindi sa kalat-kalat,” 

Ngayon ay bukas na libro ang pagkakaroon ng asawa’t anak ni Kristoffer at hindi na niya kailan pang isikreto o itago.

Abala si Kristoffer ngayon sa kanyang bagong show, ang Makiling na kontrabida ang role na kanyang ginagampan bilang miyembro ng Crazy 5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …