Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez

Tom Rodriguez isang malakas na pasabog ang naghihintay sa pagbabalik 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MULI palang pipirma ng kontrata si Tom Rodriguez sa GMA 7. Kasi naman it is the the only choice. Wala namang prangkisa ang ABS-CBN at kung mautuloy man ang balak niyong collab sa network ng mga Villar, ewan kung ano ang mangyayari. 

Una may legal questions iyong maaari bang ipagamit ng isang network ang kanyang franchice sa ibang network na walang congressional franchise at permit to operate?

Pangalawa, nabantilawan na rin naman kasi ang network ng mga Villar na noong una ay inaasahan nilang malakas pero wala rin palang naibuga. Kung matutuloy man iyan parang nagsama lang ang dalawang talunan.

Pero mabalik tayo kay Mang Tomas. Hindi natin maikakaila na si Tom, kasama ang aktor na si Dennis Trillo ang nagsimula ng isang seryeng BL sa Philippine Television, at wala man silang ipinakitang mahahalay na eksena kagaya ng mga BL ngayon, tinangkilik iyon ng mga tao. Hindi lang ng mga bakla dahil kung mga bakla lamang ang nanood sa kanila, imposibleng maabot ang ganoon kataas na ratings. Ibig sabihin, malakas ang batak nina Dennis at Tom na siyang mga bida sa seryeng iyon. 

Natatandaaan pa nga namin habang kainitan ng serye ay may naging isang all male fashion show, at nang lumabas sina Dennis at Tom ay nagtilian ang mga tao hindi dahil sa mga suot nila kundi dahil sa popularidad ng kanilang tambalan sa BL series nila.

Matagal ding nagpahinga si Tom dahil sa naging controversy nila ng asawang si Carla Abellana. Pero ngayon ay nagbabalik na siya, at tiyak isang malakas na pasabog ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …