Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla contract signing

Daniel hindi kasing tindi ang contract signing kay Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI kasing bongga ng contract signing ni Kathryn Bernardo ang muling pagpirma ng kontrata ni Daniel Padilla sa ABS-CBN. Hindi rin ganoon katindi maski ang publisidad nila sa social media pero isang matibay na katibayan iyan na sa paniwala nila may lakas pa rin si Daniel. Kung hindi, hahayaan na nilang mapaso ang kontrata niyon at hindi na lang sila kikibo para mapanatili pa rin nila ang presumption na star pa rin siya ng kanilang network na wala silang obligasyon. 

Pero dahil pinapirma ng bagong kontrata si Daniel, ibig sabihin nakahanda pa rin ang kanilang walang prangkisang network na sugalan ang kanyang career.

Aminin natin simula noong mag-split sila ni Kathryn ay puro nega ang dating ni Daniel sa mga tao. Sila iyong mas galit pa eh, at hindi nila mapatawad si Daniel na nahuling my kulukadidang pang iba ganoong syota na niya si Karthryn.

Marami pang personal na paninira, kesyo naghihirap na raw kaya ibinenta na ang  sports car pati ang bahay nila ng kanyang pamilya. Kesyo malaki raw ang utang kay Kathryn na kailangang bayaran agad-agad kasi nag-split na sila. At marami pang personal na bagay na hindi na lang pinapansin ni Daniel. Minsan ang-iisipin, mararating ba ni Kathryn ang katayuan niya sa ngayon kung wala ang KathNiel? At mabubuo ba naman ang KathNiel kung wala si Daniel? Naitambal na rin naman si Kathryn sa ibaat hindi naman kasing tindi iyon ng love team nila ni Daniel.

Hindi nila maikakaila na malaki rin ang bahagi ni Daniel sa tagumpay ni Kathryn. Kaya unfair naman iyong masyado nilang idina-down si Daniel sa ngayon. Oo may kasalanan si Daniel dahil natangay siya ng tukso, pero ang nakakatawa riyan, si Daniel ang nadidiin. Bakit noong si Eba tuksuhin ng ahas, ang sinisi ay iyong ahas. Bakit ngayong si Daniel ay tinukso ng kung sinong ahas, si Daniel ang sinisisi?

Ewan kung anong mentalidd iyan, pero may kasalanan nga rin si Daniel dahil natukso siya sa monay na inialok sa kanya ng ahas. Pero hindi mo rin naman siya lubusang masisisi. Baka kaya natukso siya sa monay ay hindi niya makita kahit na isang maliit na pan de coco kay Kathryn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …