Tuesday , May 13 2025
Francis Magundayao Nadine Lustre Jerome Ponce

Francis Magundayao bilib sa husay ni Nadine

MATABIL
ni John Fontanilla

FIRST time makatrabaho ni Francis Magundayao si Nadine Lustre sa proyekto ng Viva Studio, ang series na Roadkillers at sobra siyang napabilib sa mahusay na pagganap ng aktres.

Kuwento ni Francis sa ginanap na screening at  presscon ng Roadkillers sa Cinema 17 ng Gateway, napahanga siya ni Nadine sa bilis nitong makawala sa role na ginagampanan.

Sana nga raw ay magaya niya si Nadine na aniya  ay talaga namang mahusay na aktres.

Isa sa eksena na hindi malilimutan ni Francis ay ang paglalagay ng prostethics sa kanyang mata dahil kailangan ito sa eksena na binulag at dinukot ang kanyang mga mata.

Tumama sa araw ng kanyang birthday nang kunan ang naturang eksena at tumagal iyon ng walong oras na wala siyang makita.

Bukod kay Nadine ay makakasama rin sa Roadkillers sina Jerome Ponce, Bodgie Pascua, Allan Pauleatbp. mula sa mahusay na direksiyon ni Rae Red, hatid ng Viva Studio at mapapanood sa March 1 sa Viva One.

About John Fontanilla

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Nadj Zablan Laya

Kantang Laya ni Nadj Zablan nabuo pagkatapos ng pandemya

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …