PINURI kamakailan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Toni Yulo-Loyzaga ang SM Prime sa layunin nitong maging bahagi ng solusyon ng waste management sa Filipinas. Sa kasalukuyan, isa ang Filipinas sa may pinakamalalang problema sa basura, hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo. Sa nakaraang memorandum of agreement (MOA) signing ng SM Prime sa Gunn Limited, isang Japanese company, sinabi ni Secretary Loyzaga, mahalagang partnership ito para sa isang sustainable future. Kilalang operator ng material recovery, recycling at environmental solution services ang Gunn Limited sa Yokohama, Japan, samantala, pinakamalaking property developer sa buong Asya Pasipiko ang SM Prime. Ayon kay Secretary Loyzaga, malaking isyu sa Filipinas ang solid waste kaya naman nararapat na magtulungan ang publiko at pribadong sektor sa paggamit ng teknolohiya laban sa paglala ng dumaraming basura sa ating bansa. Sa panayam kina Hans Sy, chairperson ng SM Prime; at Gunn CEO Shinji Fujieda, tiniyak ng dalawa na ang layunin nila ay mag-recyle ng mga papel at plastics at gawin itong fluff energy. Ang fluff fuel ay ginagamit bilang panggatong sa mga industrial boilers ng mga power plants. Epektibo itong ginagamit na fuel sa Japan. Kompiyansa si Hans Sy ng SM Prime na magdudulot ng positibong epekto sa buhay at kalikasan ang kanilang inisyatiba katulong ang Gunn Limited.
Check Also
Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025
BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …
11 timbog sa drug bust sa Bulacan
MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …
Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo
ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …
Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad
ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …
Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft
SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com