MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-ENJOY sa kanyang kauna-unahang suspense action thriller series na Road Killers ang award winning actress na si Nadine Lustre.
At kahit nga nahirapan ito nang husto sa ilang eksena sa pelikula katulad ng fight scene nila ni Jerome Ponce na gumaganap bilang si Marco na masyadong mapisikal ay okey lang kay Nadine dahil gustong-gusto niya ang ganitong klaseng proyekto.
Ginagampanan ni Nadine ang role ni Stacey Sunico, isang mapagmahal na anak na handang pumatay para sa kanyang ama.
At habang ginagawa nito ang pelikula ay naaalala niya ang kanya Daddy Dong Lustre na parang si Bodgie Pascua na gumagabap bilang si Nato, ang tatay ni Stacey.
“Noong nagsu-shoot nga kami, sabi ko, ‘si Tito Bodjie really reminds me of my dad.
“At ‘yung character niya, my dad is a mechanic din talaga.
“Like me, I grew-up as a daddy’s girl. So, ako mahilig magkalikot din. Na-fascinate ako sa daddy ko na magaling magkalikot ng stuff.
“Lumaki ako na ganoon just like Stacey. Pero, ang dad ko, hindi naman siya huntsman.”
At tulad ni Stacey, gagawin din ni Nadine ang lahat-lahat para sa kanyang pamilya, pero hindi nito kayang pumatay.
Ang Road Killers ay hatid ng Studio Viva, idinirehe ni Rae Red at mapapanood simula March 1 sa Viva One.