Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran Kathryn Bernardo Keeno Alonzo

Jhassy Busran dream makasama si Kathryn Bernardo sa pelikula kahit alalay na role

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SASABAK sa bagong project ang award-winning young actress na si Jhassy Busran.

Sa last movie ni Jhassy titled Unspoken Letters ay nagpakita na naman nang kakaibang husay ang dalaga, kahit mahirap na role ang ginampanan niya rito.

Sinabi ng mahusay na young atcress ang isa sa aabangan sa kanyang project this year.

Aniya, “Mayroon po kaming bagong isu-shoot, kay Direk Gabby Ramos din po siya. Hindi ko pa po alam kung ano ang title, actually, hindi ko po alam kung puwede na itong sabihin, iyong pinaka-project itself.

“Pero isasali po ito sa mga international film festival.”

Anyway, si Jhassy ay nagsimula sa teatro at balak niyang sumabak ulit sa teatro dahil iba raw ang arte talaga sa teatro.

“Sa school theater plays po ako nagsimula talaga, kaya balak kong sumabak ulit sa teatro, why not? Kasi, ito po ang unang acting experience ko na nagpamahal sa akin sa teatro.

“Elementary po ako noon nang una akong nakaranas mag-teatro, 7 or 8 years old po yata ako noon,” pakli pa ng talented na dalagita.

Sa aming huntahan ay nabanggit din ni Jhassy na ang A-lister na si Kathryn Bernardo ang kanyang ultimate idol.

Sambit ni Jhassy, “Bata pa lang ako ay pinapanood ko na po si Miss Kathryn Bernardo, idol na idol ko po siya talaga, eh.”

Wish ba niyang makatrabaho someday si Kathryn?

Pahayag ni Jhassy, “Opo, opo talaga… ang ultimate dream ko ay makatrabaho one day si Miss Kathryn. Kahit ano pong project, kahit po sa likod lang ako ni Kathryn, kahit alalay lang po.

“Kasi po as a fan girl’s dream po, hindi ba, makatabi mo nga lang ang idol mo ay sobrang big achievement na iyon sa iyo? So, what more pa po kung makakatrabaho ko pa po siya talaga,” nakangiting sambit pa ni Jhassy.   

Incidentally, ang guwapitong newbie actor na si Keeno Alonzo ang makakasama ni Jhassy sa nabanggit niyang short film na very soon ay gigiling na ang camera.

Isa ang mother ni Jhassy na si Ms. May Cruz Busran sa tumutulong sa showbiz career ni Keeno.

Nagkakilala raw sa isang charity feeding program with Diego ng Bubble Gang sina Keeno at Ms. May at mula rito ay nagtuloy-tuloy na ang communication nila.

Masaya si Keeno na maging part ng naturang pelikula, “Yes po ipanglalaban daw po sa International filmfest, pero wala pa pong title. Ang shooting po will start this February.”

Ano ang masasabi niya kay Jhassy?

“Si Jhassy knowing her, is very independent and gagawin niya talaga kung ano ang maisipan niyang gawin. Aside roon, dedicated siya when it comes to study and sa career niya bilang isang artist,” esplika ni Keeno. 

Si Keeno ay nagsimula sa showbiz na pa-extra-extra sa Juan Dela Cruz ni Coco Martin, Be Careful With My Heart, MMK, She’s Dating The Gangster, at iba pa.

Kaya ngayon na mabibigyan siya ng biggest beak sa showbiz ay masayang-masaya si Keeno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …