Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera

Marian kinontra patutsada sa pakialamerang biyenan

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINABULAANAN ni Marian Rivera ang lumabas sa isang pahayag na sinasabing galing sa bibig niya.

Agad naglabas ng kontra si Yan para ipaalam sa lahat na hindi sa kanya nanggaling ang pahayag na ito: “Kaway-kaway sa mga suwerte sa biyenan. Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sayo at sa mga bata, di sinusulsulan ang anak nilang lalake, at mahal pa rin na parang totoong anak niya.”

Caption umano ito na mayroon pang profile pic ni Marian sa nasabing post.

Agad sinopla ni Marian ang post at sinabing, “Hindi ko ‘to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit? Napakararami na po kayo, tama na!”

Sa totoo lang, walang sinisino ang mga poser ngayon.

Kahit abala sa taping ng GMA series niyang My Guardian Alien, hindi palalampasin ni Yan ang ganitong post lalo na kapag may kaugnayan sa pamilya niya at sa asawang si Dingdong Dantes, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …