MATABIL
ni John Fontanilla
“IT’S a great experience na hinding-hindi ko malilimutan ang pagsali sa Miss Universe Philippines Quezon City.” Ito ang pahayag ng controversial candidate ng Miss Universe Philippines QC 2024 na si Jocelyn Cubales, 69, designer/actress/ producer after ng coronation night na ginanap sa Seda Vertis North QC.
Naging controversial ni Jocelyn dahil ito ang kauna-unahang senior citezen na sumali sa MUPH, kaya naging usap-usapan ito ‘di lang sa bansa maging sa ibang lupalop ng mundo.
Hindi man mapalad na nasungkit ang korona ng MUPH QC 2024 ay masaya na itong nakapasok sa Top 10 at manalo ng special awards (Ms Anlene Total 10 at Light of Dreams Award).
Ito na ang huling pagsali sa pageant ni Jocelyn, pero masaya siya na marami siyang na-inspire na mga Pinoy na nangangarap din na matupad na makasali sa beauty pageant kahit may edad na at puwede pa ring gumanda ang katawan sa tamang pagda-diet at pag-eehersisyo.