NAGDIWANG ng kaarawan noong February 4 ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start sa isang simpleng lunch kasama ang kanyang mga mahal sa buhay na sina Ann Malig Dizon at Haye Start na tumatayong guardian.
Kasama rin sa lunch si Ayen Cas ng Aspire Magazine, Tom Simbulan (model & businessman) and yourstruly na ginanap sa Tepanya SM North Tower 1 QC.
Ilan sa wish ni Klinton ang pagkakaroon ng good health sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay, magkaroon ng maraming project at maka-collab ang kanyang showbiz crush na si Janah Zaplan na isang recording artist mula sa StarPop Music ng ABS CBN.
“Wish ko Tito ang magkaroon ng malusog na pangangatawan pati na rin sa mga mahal ko sa buhay, more projects pagka-graduate ko and maka-collab ko si Janah, puwede sa show o sa music video ng mga song niya.
“Noong na-meet ko kasi si Janah sobrang bait niya pati ng parents niya and ang galing niya mag-perform at ang ganda niya at ng boses niya.”
Sa ngayon ay lie low muna sa showbiz si Klinton dahil graduating ito sa Trinity University of Asia sa kursong BSBA major in Marketing Management. At pagka-graduate ay magpo-focus na siya muli sa kanyang showbiz career.