MATABIL
ni John Fontanilla
HABANG wala pang bagong teleserye si Will Ashley ay sunod- sunod naman ang mga pelikulang ginagawa.
Tsika ni Will, “Sa ngayon po ay busy po ako sa paggawa ng movie, ‘yun pa lang po ginagawa ko now. Wala pa pong serye, waiting pa.
“Bale ‘yung last serye na ginawa ko ‘yung ‘Unbreak my Heart’ with Jodi Sta Maria, Joshua Garcia, Gabby Garcia at marami pang iba.
“Pero thankful pa rin ako kasi sunod-sunod ‘yung movie na ginagawa ko, ‘yung ‘The Vigil’ at ‘X&Y’ with Ms Ina Raymundo.
“Sa ‘The Vigil mayroon po akong speech defect, nangangalaga sa isang retreat house. ‘Yung role ko naman sa ‘X&Y’ isa akong nangangailangan ng pera para sa tatay ko, and then mami-meet ko si Ms. Ina Raymundo.
“Maganda ‘yung movie, basta abangan nila kung ano mangyayari sa pagtatagpo namin ni Ms Ina,” pagtatapos ni Will.