I-FLEX
ni Jun Nardo
HETO na naman ang malisyosong mga Marites nang dumating sa bansa noong Lunes si Miss Universe Thailand na si Anntonia Porsild at sinalubong siya ni Michelle Dee sa kanyang pagdating.
First runner-up si Porsild sa 2023 Miss Universe habang sa Top 10 finalists nag-landing si Dee.
Naging malapit sa isa’t isa ang dalawang beauty queens. Eh dahil sa rebelasyon ni Michelle sa isang interview na bisexual siya, naglabasan ang mga espekulasyon na something’s sweet is going on sa dalawa.
Eh wala namang pakialam si Michelle kung ano ang sasabihin ng mga tao. Basta ang mahalaga, nabuo ang friendship nila ni Miss Thailand.
Para sa isang magazine ang dahilan ng pagbabalik ni Miss Thailand.