HATAWAN
ni Ed de Leon
BUKAS, wala ng CNN Philippines. Matapos na mag-sign off kagabi, hindi na sila nag-sign on kaninang umaga. Sabihin mo mang totoo na ang dahilan ay nalugi ang kompanya dahil walang commercials na pumapasok, wala na silang pambayad sa franchise nila sa CNN na matatapos sa susunod na taon, dahil hindi na nakatawag ng pansin sa mga Pinoy ang CNN pagkatapos ng gulf war at ng 9-11 bombing sa New York. Hinahabol lang sila kung may running stories sa abroad, at marami silang kalaban diyan, nariyan ang CBS, ang BBC at maging ang Fox News. Lahat naman iyan ay napapanood sa cable o kung wala man, sa internet.
Napakasakit ding isipin na ang isang dating napakalakas at number one network ay magkaganya na sinesquester ng Cory Government dahil lamang sa bintang na ang may-ari ay crony ni Marcos at noon basta kaibigan ka ng dating pangulo, ang tingin sa iyo ng gobyerno ay magnanakaw ka na rin ng pera ng bayan. Marahil hindi naman nila alam, dahil si dating pangulong Cory Aquino ay laki sa loob ng Hacineda Luisita, at wala namang kinalaman sa broadcast industry na iyang Kanlaon Broadcasting system ay nariyan na, congressman pa lamang si dating Pangulong Ferdinand Marcos at ang mga Benedicto na ang may-ari. Hindi rin nila alam na ang lupang kinatitirikan ng tatlong network ay pag-aari pala ng Celebrity Sports Plaza na nabili na ng mga Benedicto wala pa si Marcos sa Malacanang at may maipakikita silang titulo ng lupa hindi gaya ng isang network na corista na inaangkin ang lupa ng wala namang hawak at maipakitang titulo sa hearing ng Kamara.
Ngayon nalaspag nila ang resources ng kompanya na hinawakan ng PCGG. Tapos ano na ang nangyari masasara na ang ng ganoon ang network na hinawakan ng mga taong pagkalalaki ng suweldo na inilagay doon ng PCGG?
Eh noong araw nga eh iyong Viva Films na isang maliit pa lamang na kompanya noong araw ay inilagay din sa Sequestration ng PCGG dahil may mga crony daw si Marcos na kasosyo ng Viva. Mabuti nailabas lahat ng Viva ang kanilang mga investor at nang wala silang mapatunayan, pinakawalan din nila.
Noon kasi mapagbinatangan ka lang nila na crony ka ni Marcos ay hindi na halos kailangan ng ebidensiya dahil kahit na hear say lang puwede na kaya karamihan sa mga kasong isinampa ng PCGG na-dismiis ng husgado dahil walang naging matibay na ebidensiya para patunayan ang bintang nila.
Ang pinaka-malaki nga nilang comedy nagsama sila ng 151 kaso sa New York laban sa mag-asawang Marcos. Ni isa hindi na-convict ng mga Marcos dahil ang sinasabi ng husgado paulit-ulit lang ang mga kaso at wala namang ebidensiya. Ang mga dokumento raw kasi na magpapatunay sa bintang nila ay nawala ang brief case na dala ni Jovito Salonga habang siya ay kumakain sa isang restoran sa New York. Hindi ba nakakatatawa iyon?
Natatandaan din namin noon nang tanungin namin si Manoling Morato na siyang chairman ng Movie and Television Reiew and Classification Board (MTRCB) at inilagay sa board ng BBC 2 matapos na iyon ay i-sequester ng PCGG. Nang tanungin nga namin si Manoling kug baikit na-sequester ang BBC 2 gayung may valid franchise, may permit to operate at kumpleto sa lahat ng papeles, ang sagot niya sa amin ay ill gotten wealth daw iyon dahil si Benedicto ay crony ni Marcos.
Nang tanungin naman namin siya kung bakit nakapag-take over ang ABS-CBN sa BBC gayung wala pa namang ruling ang korte, ang sagot lang niya ay, ”we are under a revolutionary government and that is what the president wants.”
Pero ngayo sarado na ang ABS-CBN na dating Banahaw Broadcasting Corporation, sarado na rin ang CNN Philippijes na dating RPN 9 at naghihingalo na rin ang sequestered pang IBC 13. Ang saya-saya hindi ba?