Saturday , November 16 2024
The New Music Box The Library

The New Music Box powered by The Library mag-iingay na sa Kyusi

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THE noisiest library is now in Kyusi.

Muntik nang tuluyang tumiklop ang Reyna ng sing-along bars o comedy bar na nagsimula  noon pang 1984 (una sa Banawe hanggang nalipat sa Timog). Na nagkaroon ng counterpart sa Maynila, sa kalye ng M. Adriatico sa Malate, ang The Library noong 1986.

Sila ang nagpasimula para mag-usbungan ng parang mga kabute ang sari-saring sing-along o comedy bars sa iba’t ibang lugar.

Sa My Father’s Mustache galing sina Nura at Velma pero sa The Library ni Andrew de Real sila mas nakilala. Dahil sa Japan sila namunini as performers.

And the list of homegrown talents came to be.  Sinasadya na ang The Library para kumuha ng mga talent para lumabas sa TV. Alam ba natin kung sino-sino sila na naglakihan na ang mga pangalan.

Apat na Dekada. Marami na ang nangyari. Pinaka-naapektuhan nga ang hosts ng dumaan ang pandemya. Pero maabilidad at ‘di nagpatalo o nagpagupo sa ‘di makitang kalaban. TikTok. Kumu. Bigo.

Sumuko ba si Andrew? Never.

Nagsara rin ang mga The Library niya sa Malate. Pero sige, hanap sa magiging tahanan pa rin ng mga host. Umusbong sa Las Piñas. 

Pero bukod sa The Library, marami ring nagbukas na mga bar na tinulungan si Mamu Andrew. Dahil sa kanya kumuha ng mga talent ang mga ito.

Fast forward to now.  Nang may host (Dandan) na nagbalita sa kanya sa magaganap na sana sa Music Box ng Timog, agad nakipag-usap si Mamu kay Papa Doc na namahala na rito ng sandaling tumiklop nang pumanaw ang may-aring si Wowie de Dios.

Kaya hindi ito nagsara. Nagkaroon ng The New Music Box powered by The Library ngayon. At muling tatatak ang seasoned hosts nito kasama ang mga bago pang talento.

Anton Diva!  Tart Carlos. Gie Salonga. Pretty Pepay. Dingdong Gabriel. Andrew Yadao. Jerome Laurel.  Pegasus. Trix Aducal. Noelle. Mac. Viveika Ravanes. Eva Diva. Orca. Rowell Quizon. E.R. Arlo. Owlan. Michael G.

Sa mga bagong sibol, Ced, Rads, Zaragene, Jacky, Gray, Melody, Taki, Mhae,  Emm, DeeVo, Antonette, Mark, jason. Shandy. Kurt Fajardo.

Lunes hanggang Linggo. Different kind of entertainment ang malalasap ng mga manonood.

Sa tagal ko ng sumubaybay sa mundo ng sing-along, nangingibabaw ang The Library talents dahil Mamu Andrew made it a point na ang mga baguhan ay sumailalim ng workshops hindi lang para i-hone ang talents na taglay na nila kundi maging sa ibang aspeto ng pagkatao at pagiging tao. Kaya isang bawal na bawal na gawin ng isang host ay ang manghingi ng pera sa customers. At magmura nang magmura.

Okay ang biruan. At bawal ang pikon.

Kaya ngayon, buhay na buhay ang kinasanayan ng maging tambayan, hindi lang ng mga taga-Kyusi kundi mula sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Ang iba lumuluwas pa just to get entertained.

Sa Ika-9 ng Pebrero (Sabado), gaganapin ang grand launch nito. Kaya matutunghahayan ang plinanong mga pasabog ng business partner ni Mamu na si Jerick Gadeja. Maghahatid ng kanya-kanyang pakulo ang members ng bawat araw.

Kaya ang mga original artist ng Music Box gaya nina Arnell Ignacio at Pokwang ay hindi mawawala sa grand launch ng collab. 

Bukod sa talentadong hosts, ano pa ba ang binabalik-balikan ng mga tao sa The New Music Box powered by The Library?

Yes, ang food. Ang serbisyo. Ang ambience. Ang staff. Waiters. At ang magandang tunog. At ang malaking LED TV. Super lamig feels! Affordable entrance fee. And an amiable manager ng The Library for the longest time, Arnold Anota.

Tara! Sumama na sa pagi-ingay! 

About Pilar Mateo

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …