Monday , December 23 2024
Marion Aunor

Marion 2 nominasyon nakuha sa 15th PMPC Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING kinilala ang husay sa pag-awit ni Marion Aunor sa gaganaping 15th PMPC Star Awards for Music. 

Nominado ito sa dalawang kategorya,  Revival Recording Artist of the Year para sa awiting Nosi Balasi(Viva Records & Wild Dreams Record) at Female R&B Artist of the Year para sa awing Traydor na Pag Ibig (Viva Records) na parehong kasama sa soundtrack ng hit movie ng Viva Films na Maid In Malacañang.

Nagpapasalamat si Marion sa bumubuo ng Star Awards for Music sa dalawang nominasyong nakuha at sa kanyang very supportive mommy, Ms. Maribel “Lala” Aunor at sa kanyang very talented ring kapatid na si Ashley Aunor na isa ring award winning singer & composer.

Thankful din si Marion sa kanyang home studio, ang Viva Music & Films at sa kanyang team sa Wild Dreams Record. 

At sa February 14, Valentine’s day ay magkakaroon ng concert si Marion sa Viva Cafe.

Sa mga gustong manood ng Valentine’s  concert ni Marion, puwedeng magpa-reserve sa Viva Cafe sa 09158767378, VIP: 1500 with free iced tea or SMB REGULAR: 800 with free iced tea or SMB.

Espesyal na panauhin sa concert ang mga Wild Dream Records artists na sina Matt Wilson, Minimal Days, at Pecado.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …