HATAWAN
ni Ed de Leon
NAIILANG din daw iyong baguhang si Kelvin Miranda, dahil hindi nga naman magandang publisidad iyong sinasabing binayaran siya ng isang baklang singer ng P2-M para matulog sa hotel room noong dumalaw iyon sa PIlipinas. Ang sumunod namang napag-usapan ay tungkol sa tinawag nilang “Brilyante ng tubig” dahil sa pagpapasuot sa kanya ng isang masikip na pantalon sa isang provincial event, na pinaakyat pa ang isang bading na kinikilig sa kanya lalo tuloy napag-usapan.
Dapat hanggang maaga ay linawin na nila, iyan bang si Kelvin ay ibini-build-up nila bilang isang bold star kaya puro ganoon ang publisidad?