ni Ed de Leon
NGAYON nga ang isang dating young male star na sinasabi noong nagsisimula pa lamang na isang mahusay na actor ay nabagsak na nga sa mga pelikulang mahahalay. Wala na siyang magagawa kasi sumabak siya sa mga gay indie noong araw. Bukod sa kanyang mga kahina-hinalang sideline.
Naging usap-usapan noon ang kanyang pag-istambay sa isang internet shop sa may university belt na roon daw siya pinupuntahan ng mga ‘possible clients” at gumagawa na sila ng kanilang “milagro” sa loob ng cubicle. Kailangan daw siyang gumawa ng ganoon dahil wala naman siyang assignment sa showbiz. Hindi rin naman siya napasikat sa “circle” kaya napilitan siya sa sideline.
Hindi na siya nakabawi simula noon dahil kumalat ang kanyang sideline at nagka-bisyo pa.
Ngayon nagbabalik siya pero bilang bold star na, ano pa nga ba ang aasahan mo?