Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bimby Kris Aquino

Bimby kailangan na raw magtrabaho pangsuporta sa pagpapagamot ni Kris

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG ang lakas ng dating ng drama. Kailangan na raw magtrabaho ng bunsong anak ni Kris Aquinona si Bimby para masuportahan ang kanyang pagpapagamot sa US. Mahigit ng dalawang taon sa US si Kris pero mukhang lumulubha pa ang kanyang kalagayan. Hindi pa rin gumagaling ang kanyang sakit sa kabila ng pag-aasikaso ng mahuhusay na doctor at mga mamahaling gamot. 

Mukhang nauubos na ang pera ng dating kinikilalang “queen of all media.” Kaya nga kailangang maghanap-buhay ang anak niyang si Bimby pero ano ba naman ang kikitain niyon agad para mapunuan ang kanyang kailangan? Huwag naman ninyong sabihin na presidente siya agad ng isang kompanya sa America at makakaya niyang sustentuhan ang pagpapagamot ng nanay niya?

At saka kung iisipin nga ninyo halimabawa’t totoo ngang halos ubos na ang pera ni Kris bakit hindi niya gamitin ang share niya sa kanilang hacienda? Hindi ba kaparte naman sila ng Haienda Luisita? At ano naman ang ginagawa ng mga kapatid niyang may kaya rin naman sa buhay? Hindi ba’t baby naman siya ng kanyang mga kapatid? Bakit pababayaan nila ang pamangkin nilang magtrabaho at balikatin ang pasanin ng pagpapagamot kay Kris?

Pag-aralan na rin naman nila, bagama’t obligasyon nga nila na mailigtas ang buhay ni Kris sa anumang paraan kung wala nang makuhang gamot para sa sakit niya bakit hindi itigil na lang muna iyon at baka sagad na rin sa puro gamot ang katawan niya kaya hindi na makalaban.

May mga bagay na kung hindi na natin kaya mabuting ipaubaya na lang natin sa mga kamay ng Diyos. After all Diyos lang naman ang makapagsasabi kung hanggang kailan talaga tayo tatagal.

Ipagpaubaya na nila iyan sa Diyos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …