Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel ‘di pakakawalan ng Star Magic

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naman pala pakakawalan ng Star Cinema at Star Magic si Daniel Padilla. Agad nilang sinabi na sa susunod na buwan ay muli iyong pipirma ng kontrata sa kanila. Natural naman iyon dahil sa totoo lang wala silang ibang matinee idol na malaki kundi si Daniel, kahit na sinasabi pang nega siya simula noong mg-split sila ni Kathryn Bernardo.

Wala pa naman talagang mailalaban nang husto ang Star Cinema. Iyong kanilang balak ibala na si Donny Pangilinan, eh ngayon naghihingalo nga ang pelikula sa takilya. Kaya wala silang pinalabas na padded press release kung magkano ang kinita niyon sa unang araw. Kasi nga maliwanag na inilalampaso pa iyon ng mga extended festival entires na nasa fourth week na.

Ano pa nga ba ang iisipin mo? Talagang kailangan pa nila si Daniel sa ngayon. Kaya lang naman naghilahod ang mga huling pelikula ni Daniel eh kasalanan din nila, pagawin ba naman nila ng pagawin ng indie iyong bata eh alam naman nilang ayaw ng tao sa indie. Kung si Sharon Cuneta nga eh pingawa ng indie sa Vivamax naghilahod din eh, si Daniel pa ba?

Walang duda, inilagay nila si Daniel sa indie ni Charo Santos dahil akala nila sapat ang partisipasyon ni Daniel para kumita ang pelkulang iyon, eh hindi pala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …