Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Bahay ni Daniel ‘di ibinebenta; Karla ‘di totoong may utang sa ina ni Kathryn

REALITY BITES
ni Dominic Rea

KOMPIRMADONG for sale na nga sa halagang P50-M ang kauna-unahang naipundar na bahay ng pamilya Ford

Ayon sa isang kaibigan, tuloy na tuloy na nga ang pagbebenta nito. Ang dahilan ay lilipat na at bibili rin ng bagong bahay si Karla Estrada sa South area kapag naibenta niya ang nasa Quezon City. 

Hindi totoong kesyo maraming memories ang napasok sa naturang bahay kundi desisyon na rin ito ng buong family na gusto ng umalis sa Metro.

Ang bahay lang ni Karla ang ibinebenta at hindi ang katabi nitong bahay namang naipundar ni Daniel Padilla. Maiiwan daw ang bahay ni Daniel at hindi totoong balak din itong ibenta ng aktor.

Samantala, kinompirma rin sa amin ng isang kaibigan na magre-renew na nga ng kanyang panibagong kontrata si Daniel sa ABS-CBN this February. Kaya tantanan na ang balitang kesyo naghahanap ng bagong management si Daniel dahil mananatili pa rin siyang Star Magic Artist! 

Yun na! 

Ayon sa aming kaibigan, naloka rin daw si Karla sa balitang lumabas na may utang siya sa ina ng dating girlfriend ni Daniel. 

Wala raw itong katotohanan. Nanatiling tahimik ang buong pamilya ni DJ hanggang ngayon sa dinaranas nilang pamba-bash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …