HATAWAN
ni Ed de Leon
ISANG indie rin pala ang pelikula ni Aga Muhlach, nadulas din sila nang hindi sinasadya na tinapos nila ang peluikula ng 11 days. Inamin din nila na medyo tipid sila sa budget sa pelikulang iyan. Mabuti na nga lang at si Aga ang leading man, posibleng madala niya ang kanyang leading lady.
Isipin ninyo, nagpa-sexy na iyan sa isang pelikula ng Vivamax tumagilid pa.
Kung tutuusin, mabigat na dalahin iyan para kay Aga, pero sana naman makaya niya. Nakaya ni Gabby Concepion na buhatin sina Sunshine Dizon at Sanya Lopez, baka naman magawa rin ni Aga sa leading lady niya.
Pero ewan, mukhang mas excited ang mga tao noong makatambal ni Aga sina Gretchen at Cludine Barretto kaysa ngayon. Kasi naman, noong makatambal ni Aga ang dalawa ay sikat na rin.
Si Gretchen noon ang kinikilalang ST Queen at pambato sa takilya ng Seiko. Si Claudine naman ay napasikat ng ABS-CBN sa mga teleserye at pelikula ng Star Cinema bago itinambal kay Aga.