MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKAKAROON ng konsiyerto sa araw ng mga puso, February 14, ang mahusay na singer & composer na si Marion Aunor na gaganapin sa Viva Cafe, Ground floor ng Cyberpark Tower 1 Araneta City, Quezon City.
Post nga nito sa kanyang Facebook, “VALENTINES SHOW PARA SA MGA WALANG KA-VALENTINE, (Pero Kung Meron Ok Lang Din).
“Kaya pa-reserve na kayo sa Viva Cafe sa 09158767378, VIP: 1500 with free iced tea or SMB REGULAR: 800 with free iced tea or SMB.”
Hatid ni Marion ang mga awiting swak na swak sa panlasang Pinoy lalo na ngayong araw ng mga puso, kaya naman go na sa Viva Cafe kasama ang inyong iniirog o mga mahal sa buhay.