Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez
Teejay Marquez

Teejay Marquez sa ‘Pinas magko-concentrate, career sa Indonesia iniwan muna

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATUTUWA naman si Teejay Marquez dahil sa ngayon ay nabibigyan siya ng break sa mga tv series na siya ang kontrabida. Malayo iyan sa mga nagawa niyang serye noon sa Indonesia na siya ang kanilang bida sa mga pelikula at serye. Kakatuwa nga kasing mas sikat si Teejay sa abroad kaysa rito sa ating bansa.

Gusto ko naman ang mga kontrabida role kaysa puro pretty boy roles ang gagawin mo at saka gusto ko na munang magpahinga sa mga BL, masyadong marami na akong nagawa noon at hindi ko naman ambisyong puro ganoon na lang ang gagawin ko. At least ngayon kahit na kontrabida babae naman ang partner ko,” sabi pa ni Teejay.

Pero ano naman ang masasabi niya roon sa mga nagsasabing hindi bagay sa kanya ang kontrabida dahil sa hitsura niya?

Nasa pagdadala mo na iyon. Nasanay kasi ang audience rito sa atin na maangas ang hitsura ng mga kontrabida. Parang ang peg lang nila basta sinabing kontrabida ay si Max Alvarado. O si Paquito Diaz. Tapos basta naiba hitsura mo ang tatanungin ay bakit ka pumayag na kontrabida ka? Pero nandoon ang challenge eh paano mo kukumbinsihin ang audience mo na ganoon nga ang role mo?

Hindi ba si Rudy Fernandez din noong araw, ang sabi nila masyadong pogi para maging action star. Kasi parang iiiwas na tamaan ng suntok ang mukha niya. Pero nakita naman natin si Rudy isa sa biggest action stsr of his times,” sabi pa ni Teejay.

Kuntento na ba si Teejay sa takbo ng kanyang career? 

Ang feeling ko may magagawa pa akong iba. Happy lang ako at napapansin ako at nabibigyan  ngayon ng break dito sa PIlipinas. Kahit na sino namang artista, mas gustong kung sisikat lang din siya eh sa sariling bayan na lang niya. Pakikiramdaman ko and if not madali naman siguro akong bumalik sa Indonesia to try my luck again. In fact, may mga offer nga ako roon pero sabi ko gusto ko muna sa PIlipinas,” ani Teejay.

Sa ngayon mayroon pa siyang ilang pelikula na naghihintay ng playdate sa mga sinehan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …