Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Poging male model father image ang kinahuhumalingan

ni Ed de Leon

NAKATUTUWA ang kuwento ng isang sumikat na male model, na dahil poging-pogi naman talaga ay kinabaliwan noon ng dalawang male stars. Ang isa ay kabilang sa isang showbiz clan at iyong isa naman ay itunuring na “top matinee idol.” Parehong pogi rin naman ang dalawang bading at may pera rin naman. Pero no pansin sila sa poging male model.

Ngayon si Pogi ay may asawa na, pero ang tsismis ay may ka-affair daw iyong isang bading na may may edad pa sa kanya at masasabing mas mayaman pa siya. Pero roon siya happy.

Ang hinahanap pala ng poging male model ay isang father image na maaalagaan niya and at the same time mag-aalaga rin sa kanya. Nagkakasundo naman daw ang dalawa, at ang tsismis nga ay mainit ngayon ang kanilang “interrupted love affair.” Noon pa pala ang kanilang relasyon naputol lang at nagkaroon sila ng kanya-kanyang buhay pero ngayon ay back into each others arms na naman sila. Tanggap din naman daw ng asawa ng poging model ang pakikipag-relasyon ng kanyang mister sa “kanyang daddy.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …