MATABIL
ni John Fontanilla
NAGULAT at napangiti ang lead actress ng Abot Kamay Na Pangarap na si Jillian Ward nang makita nito ang isang binatilyong may hawak ng karatulang may nakasulat na, “Doc Analyn tuliin mo uli ako.”
Kaya naman ‘di naiwasang manlaki ang mga mata ng aktres at natawa nang makita ang nasabing karatula.
Ito’y nangyari habang nagmo-motorcade ang aktres sa Navotas para sa pagdiriwang ng ika-118 founding anniversary ng nasabing lungsod.
Ginagampanan ni Jillian ang role na Doktora Analyn sa nasabing serye sa GMA.