HARD TALK
ni Pilar Mateo
KA-BACK-TO-BACK sa mediacon ng Palipat-Lipat, Papalit-Palit ang umaalagwa na sa streaming na Room Service na nagtatampok naman kina Sheina Yu at Angelo Ilagan.
Forty five minutes lang ang napapanood na sa Vivamax na pelikula ni Bobby Bonifacio, Jr.
At sa nasabing mediacon, nakausap namin ang dalawa pang aktor na isinalang dito.
Tapos na ang presscon nang dumating sila. Parehong galing ng Parañaque. Ipinaikot-ikot daw sila ng Waze sa nasakyan nila.
Just the same nagka-interes kami na kausapin ang dalawang binata.
Si Anthony Dabao kasi ay apo ni Charlie Davao, at pamangkin nina Bing at Ricky Davao, na anak ni Maymay Davao.
Si Nathan Cajucom naman, iniwan muna ang pag-aaral as ground attendant para sa pagtatrabaho sa isang airline company. Mas pursigido kasi siyang umarte.
Maski anong role ay nagagawa naman nila. Basta huwag lang ang BL.
Hindi nila kaya. Mas gusto nila na makilala sa kakayahan nila bilang manly actors.
Eh ask kami ng mga kaharap ko, paano kung may challenging offer for a BL project? Na silang dalawa ang magkasama?
Magkakailangan daw sila dahil they have already established a friendship, a bond as brothers.
May nag-sample. Dennis Trillo and Tom Rodriguez na best friends sa isang serye. Kissing scenes and BL. Sa My Husband’s Lover.
Well…