Sunday , December 22 2024
Bong Revilla

Sen. Bong bukas palad sa pagtulong sa mga taga-industriya: Iwasan ang sakit, ipaalam lang, handa tayong tumulong

HATAWAN
ni Ed de Leon

PAPAALIS kami sa Loyola Memorial Chapels na roon nakahimlay ang labi ng aming kasamahang si Mario Bautista nang masalubong si Sen. Bong Revilla. 

Nagkakuwentuhan din sandali sa harapan ng punerarya. Sabi ni Sen. Bong, “Nauubos na ang mga kaibigan natin sa press tumatanda na tayo, kailangan pangalagaan na rin ninyo ang health ninyo. Iwas na sa sakit at kung may mangyari ipaalam naman ninyo sa akin at handa tayong tumulong,” sabi ng senador.

Kaya nabuksan naman namin sa kanya na may mga kasamahan pa kaming malubha rin ang karamdaman, ang bilin lang ni Sen. Bong, “sabihin ninyo pasyalan ako sa Senado para mas malaman natin kung ano ang maitutulong natin.”

Mabuti naman at naaalala pa ni Sen. Bong ang mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula. Hindi lang mga press people ang alam namin kundi ang maliliit na manggagawa sa industriya na may sakit ay natutulungan din niya. Mabuti na lang ganoon dahil hindi na rin masyadong makatulong ang Mowelfund dahil umaasa lang naman iyan sa donasyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at ang dami pa nilang kahati sa kita ng festival. Bukod doon, delayed pa ang pagpapaabot sa kanila ng suporta. 

Paano nga ba silang makatutulong ng lubusan kung ganoon?

 Noong panahong iyang Mowelfund ay nasa ilaliam pa ni dating Presidente Erap (Joseph Estrada)nakatutulong talaga iyan dahil kung walang pera ang foundation, si Erap na mayor pa lang noon ang nag-aabono mula sa bulsa niya. Ngayon hindi na ganoon, bukod sa ang dami na nga ring iniaasa sa Mowelfund maliban na sa mga may sakit at namamatay na mga manggagawa. Ngayon may training program pa silang ginagawa, na sa tingin namin ay mas dapat na ginagawa ng Film Academy o ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Iyang Mowelfund nang unang itayo ay para lamang sa kapakanan ng mga manggagawang may sakit o sinamang palad na nawala. Ngayon ang dami na rin kasing inakong trabaho ng Mowelfund eh. Pati yata pagtuturo ng animation ginagawa na nila.

Mabuti na nga lang, nariyan pa ang kagaya ni Sen Bong at si Ate Vi (Vilma Santos) na kahit hindi na siya congresswoman ay nakikiusap naman sa kanyang kabiyak na si Secretary Ralph Recto kung paano makatutulong sa mga maliliit na manggagawa sa industriya kung hindi ay sino pa?

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …