ni Ed de Leon
ANG landi ng may kalandiang female star talaga. Aba siya pa ang naghahanap sa isang male starletna kilala sa pakikipag-car fun sa mga bading. Sabi pa raw ng malanding female star, “sayang siya, pogi pa naman kung uubusin lang siya ng mga bading, mas maliligayahan naman siya sa akin at may datung din naman siya.”
Ganoon din kaya rin ang ginawa niyang pang-akit sa isang male star kaya pinatulan siya kahit na may matino namang syota iyon? Bumuyangyang din kaya siya at dinatungan pa ang male star na aminado naman siyang bata pa siya ay nagri-ring my bell siya sa tuwing makikita niya?
Nag-ring my bell nga kaya siya? Pero nakapagtataka dahil may nakarelasyon na siyang La Campana, iyon nga lang iniwan din siya dahil wala raw naman sa ayos ang kampanaryo niya.