Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pura Luka Vega

Bagong bukas na bar baka mahatulan ng tadhana ‘pag pinag-perform si Pura Luka Vega

HINDI lang naman daw pambakla at tomboy ang club na binuksan na kasosyo pala sina Ice Seguerra at dating FDCP Chairperson Liza Dino.Pero ang palabas ay gagampanan ng mga “Nagpapanggap na babae.” 

Ang nakatawag sa pansin namin, sinabi ng isa nilang kasosyo na ok sa kanya ang performance ng baklang si Pura Luka Vega na isinumpa na ng mga namamanata sa Nazareno sa Quiapo, at nanghingi ng donasyon para siya makapag-piyansa matapos na hulihin dahil sa kasong isinampa ng Hijos de Nazareno Central.

Sige kunin pa ninyo iyan, at ipaulit ninyo sa kanya ang kanyang ginawang kalapastanganan sa pananampalatayang Kristiyano. Tingnan na lang natin kung kikita kayo.

Kung sa bagay, hindi naman siya deklaradong persona non grata sa Quezon City kung nasaan ang bar nina Ice at Liza at ng kanilang mga kasosyo. Kung hindi sila natatakot sa hatol ng tadhana sige lang. Malaya naman ang lahat na gumawa ng kahit na anong performance, kahit na tuwiran nang paglapastangan sa Diyos. May naghihintay namang karma eh, puwedeng hindi agad pero mabilis ang dating niyan, paalala lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …