NATAWA na lang kami sa isang may-ari ng isang bar ng mga bakla na sinasabi niyang para sa kanya, walang problema ang ginawa ni Pura Luka Vega. Aba, eh isa pa pala siyang luka-luka, umangal na nga ang mga tao, hindi nila tanggap ang ginagawang panlalait sa Diyos ng mga bakla, kaya nga kinondena na nila iyon.
Ilang bayan na rin ang nagdeklarang persona non-grata si Pura Luka Vega at nagsabing hindi na nila iyon tatanggapin sa kanilang bayan, aba eh itong bar owner na ito sinasabing ok sa kanya ang ginagawa ni Pura Luka Vega, ibig sabihin maaasahan mong magiging performer niya ang baklang iyon. Bakit pa kaya iyan binigyan ng permit to operate ng mayor’s office? Dapat hindi na payagang magbukas pati ang bar na iyan.