Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali

Ruru bumigay ang katawan itinakbo sa E.R.

HINDI kinaya ni Ruru Madrid ang trabaho dahil bumigay na ang katawang-lupa niya nitong nakaraang mga araw.

Inilabas  ni Ruru sa Instagram ang picture niyang nakahiga sa ospital bed matapos isugod sa E.R. dahil sa trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita.

Pinayuhan ng doctor ang Sparkle actor na magpahinga nang maayos para sa mabilis niyang recovery.

Nalungkot si Ruru dahil kahapon, dapat ay may trabaho siyang iba.  Kaya bahagi ng rason sa caption niya, “Pero hindi po ako pinayagan ng doctor gawa ng baka lalong lumala ang karamdaman ko at mas marami pang commitments na hindi ko mapuntahan.”

Nadurog daw ang puso niya dahil hindi niya mapuntahan ang commitment na ‘yon. Kaya ng isip niya pero hindi kaya ng katawang lupa niya.

Nagpasalamat si Ruru sa taong nag-asikaso ng papers niya sa ospital, nagdala ng food, nagpuyat at nag-alaga sa kanya. 

Mahal na mahal kita Isadora, salamat sa nakapasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman,” saad pa ni Ruru.

Si Isadora ay girlfriend na si Bianca Umali na ang real name ay Maria Isadora Bianca Soler Umali.

Dumagsa ng get well soon messages kay Ruru mula sa kasamahan sa series niyang Black Rider gaya nina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Empoy, ibang stars at kasamahan sa trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …